Home METRO Holdaper arestado, pellet gun kumpiskado

Holdaper arestado, pellet gun kumpiskado

299
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos umanong holdapin ang dalawang indibidwal sa isang parking lot sa Barangay Santa Maria, Zamboanga City,.

Tinutukan ng baril ng suspek na sakay ng motorsiklo ang mga biktima at hiningi ang kanilang mga cellphone at wallet.

Nang isukbit niya sa kanyang baywang ang mga ninakaw ay sinunggaban siya ng isa sa mga biktima.

Rumesponde ang mga tauhan ng barangay at pulisya sa lugar at naaresto ang suspek.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang kanyang baril na lumabas na isang pellet gun.

Inaasahang mahaharap sa kaso ang suspek, ngunit hindi pa siya nagbibigay ng pahayag sa insidente, sabi sa ulat. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here