Home METRO MMDA employee, tinadtad ng saksak sa ‘hilaw na siomai’

MMDA employee, tinadtad ng saksak sa ‘hilaw na siomai’

239
0

MANILA, Philippines – Patay sa saksak ang isang 55-anyos na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rosauro Suba, miyembro ng MMDA demolition team na bumibili lamang ng siomai nang makipagtalo sa suspek na nakilala sa alyas na Levi.

Sa impormasyon mula sa Barangay 48, nakulitan umano ang suspek sa biktima matapos pagsabihan ng siomai vendor na hilaw pa ang kinukuhang siomai.

Doon na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawa hanggang sa bumunot ng balisong ang suspek.

Napag-alaman na ang dalawa ay matagal na umanong magkaaway.

Umabot sa 19 saksak ang tinamo ng biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Naaresto naman ang suspek at isinuko sa mga awtoridad.

Ayon sa Barangay, ang suspek ay dati nang naaresto sa illegal drugs at kalalabas lamang sa kulungan may ilang buwan na ang nakalilipas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here