Home NATIONWIDE 4 Pinoy nasagip sa online scam hub sa CambodiaNATIONWIDETOP STORIES 4 Pinoy nasagip sa online scam hub sa CambodiaJuly 16, 2025 13:522560 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang apat na Filipino mula sa isang online scam hub sa Cambodia.Ayon sa Bureau of Immigration nitong Miyerkules, Hulyo 16, ay ligtas nang nakauwi ang mga ito sa Pilipinas.Pinauwi ang mga ito matapos mabiktima ng isang job scam na nangangako ng mataas na pasahod na trabaho abroad.Sa halip na maayos na trabaho ay mapipilitan ang mga ito na magtrabaho bilang mga scammer sa online scam firms sa Phnom Penh.Lumipad ang tatlong biktima palabas ng bansa bilang turista, habang ang isa ay umalis sa pamamagitan ng backdoor exit.Ang biktima na galing Palawan, ay sinabing bumiyahe siya sakay ng isang bangka patungong Malaysia bago dumiretso sa Thailand, Myanmar, at Cambodia.Habang nagtatrabaho, pinipilit umano ang mga biktima na magtrabaho sa iba’t ibang online scams kabilang ang “phishing scams.”Nakaranas din ang mga ito ng pangmamaltrato at hindi binayaran ng ilang buwan sa kanilang sweldo.Kinondena ni BI Commissioner Joel Viado ang insidente at sinabing paiigtingin pa ng ahensya ang monitoring ng mga pantalan at paliparan ng bansa.Iniimbestigahan na rin ng BI kung mayroon pang immigration personnel ang sangkot sa backdoor exit ng biktima.Samantala, nagpaalala naman si Viado sa publiko na huwag tumanggap ng online job offers at makipag-usap lamang sa mga lehitimong ahensya. RNT/JGC