Home HOME BANNER STORY Lisensya ng TNVS drayber na umamba ng saksak sa pasahero, sinuspinde ng...

Lisensya ng TNVS drayber na umamba ng saksak sa pasahero, sinuspinde ng LTO

283
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang lisensya ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver na umano’y umamba ng saksak sa mga pasahero nito, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“Sinuspinde ng LTO ng 90 araw ang lisensya ng driver ng TNVS na inDrive na nakuhanan ng video ng pasahero na sapilitang nitong pinababa at tinangka umanong saksakin,” saad sa pahayag ng DOTr nitong Miyerkules, Hulyo 16.

Ipinatawag din ng LTO ang TNVS driver at registered owner ng sasakyan upang pagpaliwanagin sa insidente.

Inatasan ang mga ito na magtungo sa LTO sa East Avenue, Quezon City sa Lunes, Hulyo 21.

Inilagay na rin sa alarm ang sangkot na sasakyan.

Kasabay nito ay nagbabala si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga TNVS driver na may parusa sa pananakot at pananakit sa mga pasahero.

Ayon sa DOTR, ang 90-day suspension sa driver’s license ng TNVS driver ay tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here