Home NATIONWIDE Higit 900K Filipino nakinabang sa AICS – DSWD

Higit 900K Filipino nakinabang sa AICS – DSWD

252
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng medical assistance ang mahigit 900,000 Filipino sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa unang anim na buwan ng 2025.

Sa rekord nito, iniulat ng DSWD na ang Operations Group’s Crisis Intervention Unit (CIU) ay nakapag-asiste ng 953,560 indibidwal at nakapagbigay ng medical aid na nagkakahalaga ng mahigit P8.5 bilyon.

Sa nabanggit na bilang, 670,825 ang nakatanggap ng cash assistance na hanggang P10,000, habang 282,735 ang inisyuhan ng guarantee letters sakop ang hospitalization costs, medication, at diagnostic procedures.

“A sudden illness or medical emergency can cripple a family that is already struggling. The same is true for our clients who may be financially stable or earning, but when a family member falls ill, they still face a major setback and crisis,” saad sa pahayag ni DSWD Asec. Irene Dumlao nitong Miyerkules, Hulyo 16.

“Through our AICS program, we provide appropriate support so they can avail of needed medical services or interventions and eventually recover,” dagdag pa niya.

Matatandaan na binatikos ng mga kritiko ang AICS program na ginagamit umano ng mga politiko sa 2025 midterm elections.

Itinanggi naman ni DSWD Crisis Intervention Unit Director Edwin Morata ang alegasyon at sinabing, “No one can use the programs for their political advantage.”

Nilinaw din niya na ang AICS ay hindi lang para sa mga mahihirap at hindi lamang nagbibigay ng cash relief.

Ang mga benepisyaryo ay nakatatanggap din ng tulong para sa medical needs, funerals, education, transportation, material support, food, at psychosocial services.

Sa rekord ng DSWD, ang AICS medical assistance program ay nakapagbigay ng tulong sa mahigit 8.5 milyong kliyente mula pa noong 2014. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here