Home METRO Babae patay nang pumailalim sa trak sa Cebu

Babae patay nang pumailalim sa trak sa Cebu

235
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang babaeng backride matapos umanong mahagip ng trak ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa Mandaue traffic police, natumba ang motorsiklo at pumailalim ito sa isang trak.

Sa viral video, makikita pa ang drayber ng motorsiklo na sinusubukan nitong sagipin ang backrider na nasa ilalim ng trak.

Tumulong din ang ilang mga motorista sa pagsagip sa biktima.

Dinala sa ospital ang babae ngunit kalaunan ay pumanaw din.

Ayon sa report, na-impound na ang trak habang ang drayber naman nito ay nasa kustodiya ng Mandaue traffic police. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here