Home NATIONWIDE Pagpapatigil, ‘di lang regulasyon sa online gambling – Villanueva

Pagpapatigil, ‘di lang regulasyon sa online gambling – Villanueva

251
0

MANILA, Philippines – Dapat na umanong matigil ang talamak na online gambling sa bansa, sinabi ni Senator Joel Villanueva sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules, Hulyo 16.

Giit ng senador, hindi tama ang panukala na iregulate o magkaroon lamang ng limitasyon sa online sabong partikular ang paglalagay ng pusta.

Aniya, dapat na itong matigil lalo na’t walang kasiguraduhan kung sino-sino ang nagsusugal kung saan maaaring gawin na rin ito ng kabataan.

Sinabi pa ni Villanueva na mas malala ang online gambling kung ikukumpara sa e-sabong dahil marami ang umaasa na mananalo sa iba’t-ibang sugal.

Sa isyu naman ng mga nawawalang sabungero, ipinunto ng senador na ang naging puno’t dulo rin nito ay isyu ng pagsusugal.

Aniya, kasuhan na ang dapat kasuhan na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero lalo’t magiging daan ito upang masugpo ang pagsusugal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here