MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard na aabot sa 122 pasahero, tsuper, at pahinante ang na-stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas ngayong Huwebes dahil sa Tropical Depression Crising.
Kabilang sa apektadong pantalan ang Maasin, Benit, at Padre Burgos.
Mula hatinggabi hanggang 4 a.m., 60 rolling cargo at tatlong barko ang stranded, habang dalawang barko naman ang nagkubli dahil sa masamang panahon.
Huling namataan si Crising 535 km silangan ng Juban, Sorsogon, taglay ang lakas ng hangin na 55 kph at bugso na 70 kph, kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Signal No. 1 sa Cagayan, Isabela, bahagi ng Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, at Apayao. RNT