DAVAO Occidental, Philippines – Isang siyam na buwang buntis ang nasawi sa pagkahulog ng puno ng niyog sa Barangay Ticulon, Malita, Davao Occidental nitong Huwebes.
Ayon sa mga ulat, naglalakad ang 23-anyos na biktima pauwi pagkatapos maglaba sa isang balon malapit sa kanyang bahay nang biglang natumba ang isang puno ng niyog.
Tinamaan ang biktima kasama ang kanyang alagang aso na namatay rin sa lugar.
Dinala ang biktima sa ospital kung saan namatay siya dahil sa malubhang pinsala. Namatay din ang baby niya.
Ayon sa mga ulat, maaliwalas ang panahon at mahinahon ang hangin nang mangyari ang insidente.
Tinatayang nasa 100-anyos na ang puno ng niyog.
Manganganak na sana ang biktima anumang oras nang mamatay ito. RNT/MND