Home METRO Ilang bahagi ng Metro Manila, pinabaha ni Crising

Ilang bahagi ng Metro Manila, pinabaha ni Crising

284
0

MANILA, Philippines – Ilang lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa magdamag na malakas na pag-ulan mula sa Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng Tropical Storm Crising.

Sa Malabon City, may mga baha sa Barangay Panghulo, Hulong Duhat, Concepcion, Catmon, Tañong, San Agustin, at Ibaba, sabi ng Malabon Public Information Office.

Samantala, nasa 11.8 meters ang lebel ng tubig sa Tenejeros Bridge habang nasa critical level na 12.5 meters naman ang sa C4 Bridge nitong Sabado ng umaga.

Binaha ang ilang bahagi ng NBBS Kaunlaran, SIPAC, San Jose, Daanghari, San Roque, at Tanza 1 at 2 kaninang 8:15 ng umaga, ayon sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa Maynila, kabilang sa mga binaha ang Padre Faura na papunta sa UN Avenue LRT station, Padre Faura intersection, Taft Avenue sa harap ng National Bureau of Investigation, España Boulevard portions mula M. Dela Fuente, Maceda, Blumentritt hanggang Antipolo Street, sabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Malalim ang baha sa mga lugar na ito ngunit madadaanan pa rin ng lahat ng sasakyang de-motor. Gayunpaman, sinubukan ng mga motorista na iwasang dumaan sa mga lugar na binaha upang maiwasang tumirik ang kanilang mga sasakyan.

Ilang commuters sa kahabaan ng Taft Avenue at España Boulevard ang na-stranded dahil sa kakaunting bilang ng mga pampublikong sasakyan sa nasabing mga kalsada. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here