Home ENTERTAINMENT Luis, to the rescue kay Ralph!

Luis, to the rescue kay Ralph!

194
0

Manila, Philippines- Dinepensahan ni Luis Manzano ang kanyang stepdad na si Finance Secretary Ralph Recto sa isyu ng pagpataw ng 20% buwis sa mga bank deposits.

Ang tinutukoy na tax ay ang CMEPA o Capital Market Efficiency Promotion Act.

Kaliwa’t kanan kasi ang inaabot na batikos ng mister ni Vilma Santos.

To the rescue agad si Luis sa amain.

Aniya: “The Finance Secretary’s role is to implement the policies clearly and fairly and ensure that the money collected is used properly.”

Pakiusap ni Luis, i-Google daw kung sinong mambabatas ang may-akda nito.

Lumalabas na matagal na palang batas ang pagpapataw ng 20% interest.

Sa katunayan, noon pang 1998.

Ngayon ay ginagawang uniform lang ang pagpapataw, hindi katulad noon na regardless kung gaano katagal ang terms at uri ng bank deposit.

Ang CMEPA ay dyinastify ng author nito ngayong si Senator Win Gatchalian.

Samantala, nag-post din si Ogie Diaz ng kanyang komento ukol dito.

Nais niyang malinawan kung nag-a-apply lang ang 20% tax sa mga time deposit.

Sa panahon daw kasi ngayon na laganap ang corruption lalo’t maraming problema ng bansa ang hindi naa-address ng pamahalaan ay huwag nang dagdagan pa ang pasanin ng mga mamamayan.

Kung makatwiran naman daw ang buwis alongside ‘yung mga magagandang proyekto ng gobyerno’y baka maliitan pa raw ang mga mamamayan sa 20% tax.

O, hayan…malinaw na, ha? Stop pointing your accusing finger at Sec. Recto! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here