Home METRO 3 nat’l road sa 3 rehiyon, sarado -DPWH

3 nat’l road sa 3 rehiyon, sarado -DPWH

279
0

MANILA – Isinara sa trapiko ang tatlong national road section sa tatlong rehiyon dahil sa pinagsamang epekto ng habagat at Severe Tropical Storm Crising.

Sa travel advisory, iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga apektadong bahagi ng mga kalsada ay sarado simula alas-6 ng umaga nitong Sabado dahil sa pagguho ng lupa, rockfall, at landslide sa rehiyon ng Cordillera, Cagayan Valley, at Negros Island Region (NIR).

Ang mga kalsadang ito ay Kennon Road (S00393LZ) K0216+(-460), Camp 1 sa Tuba, Benguet; San Vicente – Savidug Chavaya – Sumnanga-Nakanmuan Road, Barangay Chavayan sa Sabtang, Batanes; at Dancalan – Candoni – Damutan Valley Road, Barangay Gatuslao sa Candoni, Negros Occidental.

Sa kabilang banda, idinagdag ng DPWH na anim na national road sections ang may limitadong access: apat sa NIR at tig-isa sa Cagayan Valley at Central Luzon dahil sa pagbaha at bilang precautionary measure.

Ang mga ito ay: ang Dugo – San Vicente Road (Dugo-Mission Section), Buguey, Cagayan; Amungan – Palauig, Barangay Bato, Palauig, Zambales; Bacolod South Road (S00134NR), Negros Occidental; at Jct. Bagonawa – La Castellana – Isabela Road., Negros Occidental; Hinigaran – Isabela Road, Negros Occidental; at Bacolod South Road S00224NR, Barangay Dancalan, Ilog, Negros Occidental.

Samantala, sinabi ng kagawaran na lahat ng iba pang mga pambansang kalsada at tulay sa mga apektadong rehiyon ay madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan simula Sabado ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here