Personal na bumisita si Malabon City Administrator Alexander Rosete sa Malabon Command and Control Center kasama ang mga miyembro ng Malabon City DRRMC Response Cluster — kabilang ang mga kinatawan mula sa CENRO, CSWDD, PSTMO, City Health Department, Engineering Department, Malabon City Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) upang
i-monitor ang lagay ng bagyong Crising.

Layunin ng pagtitipong na tiyakin ang epektibo at agarang koordinasyon ng mga ahensya para sa mabilis na pagtugon sa anumang insidente o tawag na natatanggap ng command center. Ang mga ulat ay direktang naipapasa sa mga kaukulang tanggapan upang agad na maaksyunan. JOJO RABULAN







