Home NATIONWIDE BOC, nakapagtala ng record-high P757.4-B collection sa loob lamang ng siyam na...

BOC, nakapagtala ng record-high P757.4-B collection sa loob lamang ng siyam na buwan

1
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bureau of Customs (BOC) ng record-high collection na P757.4 billion sa loob ng 9 na buwan na target nito.

“Bureau of Customs, nagtala ng record-high na P757.4 billion na collection ngayong 2026!” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Ang tagumpay ani Castro ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang revenue collection para mas mapahusay pa ang serbisyo ng gobyerno para sa bawat filipino.

Ayon kay Castro, ang BOC, sa pangunguna ni Commissioner Ariel Nepomuceno, ay nagawang malampasan ang nine-month target nito na P8.913 billion.

Iniulat na BOC na nakamit ng kagawaran ang record-high collection sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ‘pagsubaybay at koleksyon, pagpapahusay sa valuation at assessment, pagpapalakas ng pagpapatupad laban sa mga smugglers at iba pang revenue leakage, at nagpapatuloy na modernisasyon ng customs processes.

Samantala, sinabi ni Castro na pinasalamatan ni Commissioner Nepomuceno ang lahat ng BOC personnel para sa kanilang kakayahan at kasipagan sa trabaho. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here