Home NATIONWIDE Mas mabilis, tuloy-tuloy na pag-aksyon sa pag-ibsan ng epekto ng tag-init, ipinag-utos...

Mas mabilis, tuloy-tuloy na pag-aksyon sa pag-ibsan ng epekto ng tag-init, ipinag-utos ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mas mabilis at tuloy-tuloy na pag-aksyon upang maibsan ang epekto ng tag-init  na mararanasan   mula ngayong October hanggang March 2027.

Ang kautusan ay inihayag ng Pangulo sa isang pulong sa Palasyo nG Malakanyang kung saan pinag-usapan ang update sa preparasyon ng concerned agencies para sa El Niño.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagbigay ng kani-kanyang ulat sina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., Department of Health (DoH) Secretary Edwin Mercado, Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, Department of Environment and Natural Resources (DENR)Secretary Juan Miguel Cuna, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) Administrator Nathaniel Servando at Ofice of Civil Defense (OCD) Administrator Harold Cabreros kay Pangulong Marcos ukol sa ginagawang paghahanda ng pamahalaan para sa El Niño.

Iniutos din aniya ng Pangulo na paigitingin ang pagbibigay ng impormasyon sa taumbayan upang maging handa ang lahat at maiwasang lumikha ng artificial panic na siyang ginagamit ngayon ng ibang content creator.

Ang bilin aniya ng Pangulo ay “huwag na nating hintayin pa at tayo ay maghanda na, dahil sa tamang paghahanda,  maiibsan ang epekto ng El Niño sa bansa.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here