Home NATIONWIDE DOLE nanawagan sa mga employer na sumunod sa ₱50 minimum wage hike...

DOLE nanawagan sa mga employer na sumunod sa ₱50 minimum wage hike sa NCR

569
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pribadong sektor na sundin ang ipinatupad na ₱50 dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila, na epektibo simula nitong Biyernes, Hulyo 18.

Ayon kay DOLE-NCR Director Sarah Buena Mirasol, umaasa silang boluntaryong ipatutupad ng mga employer ang Wage Order NCR-26, na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong Hunyo 30.

“Nanawagan kami sa lahat ng employer na ipatupad ang bagong minimum wage rate,” pahayag ni Mirasol sa isang panayam nitong Sabado.

Tinatayang 1.2 milyong manggagawa sa Metro Manila ang makikinabang sa dagdag-sahod na ito, ang pinakamataas na wage hike na ipinagkaloob ng board sa kasaysayan nito.

Sa ilalim ng bagong wage order, ang minimum wage sa non-agriculture sector ay umakyat sa ₱695, mula sa dating ₱645.

Sa agrikultura, serbisyo, retail na may 15 empleyado pababa, at mga manufacturing na may mas mababa sa 10 manggagawa, tumaas din ang sahod mula ₱608 patungong ₱658.

Hinimok din ni Mirasol ang mga manggagawa na isumbong ang mga employer na hindi sumusunod sa bagong wage rates. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here