Wari’y ito ang masidhing panawagan ng mga taga-entertainment industry following the spate of tragedies dahil sa pagkasunud-sunod nito these past months.
Showbiz can only take so much of this, ‘ika nga.
Kaya maagap ang management team ng veteran actor na si Dante Rivero na kinundena ang pagkalat sa social media ng pagkamatay nito.
Ayon kay Ana Goma ng Powerhouse Arte, Inc., fake news ang post partikular na sa Facebook.
Pakiusap ni Ana, huwag itong paniwalaan much less i-share ang walang katotohanang ulat.
Tinumbok din ni Ana kung sinuman ang nasa likod ng fake news about Dante Rivero’s death–mag-ingat dahil baka mag-boomerang sa kanya ito.
Si Dante ay mainstay ng Batang Quiapo.
Sa kabila ng kanyang edad ay napapanatili ni Dante na maayos ang kanyang kalusugan.
To simplify Dante Rivero’s management team’s warning–matakot sa karma! Ronnie Carrasco III