MANILA, Philippines – Makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Hulyo 20 dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
Sa heavy rainfall outlook ng PAGASA para sa Habagat, inaasahan ang 100-200 mm ng ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ngayong araw.
Makararanas naman ng 50 hanggang 100 na millimeters ng ulan ang bubuhos sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union,
Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Oriental Mindoro, Palawan, Antique, Aklan, at Romblon
Pagsapit naman ng Lunes, magiging maulan pa rin sa Zambales, Bataan at Occidental Mindoro na posible pa rin ang 100 hanggang 200 mm ng ulan, habang 50-100mm ng ulan pa rin ang mararanasan sa Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at Oriental Mindoro.
Pagsapit ng Martes ay posibleng mabawasan na ang mga lugar na makararanas ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat. RNT/JGC