Home HOME BANNER STORY 3 nawawala, 215K apektado sa bagyong Crising at Habagat

3 nawawala, 215K apektado sa bagyong Crising at Habagat

256
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of Civil Defense nitong Sabado, Hulyo 19, na mayroong tatlong indibidwal ang nawawala at 215,000 naman ang apektado ng malalakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o Habagat at Severe Tropical Storm Crising.

Ayon kay OCD Administrator Rafaelito Alejandro IV, may dalawang katao ang iniulat na nawawala sa Antique dahil sa pagbaha.

Ang mga ito ay natutulog sa kanilang bahay nang rumagasa ang baha.

“Inanod. According to the reports, papuntang dagat kaya missing pa ang dalawa,” ani Alejandro.

May isa pang napaulat na nawawala sa Palawan matapos pumalaot sa kabila ng masamang panahon.

Biniberipika pa ng ahensya ang naturang mga report.

Samantala, mahigit 215,000 katao mula sa 495 barangay, karamihan ay mula sa Negros Island Region at Panay ang apektado ng sama ng panahon.

Sinabi ng OCD chief na nag-isyu na ang ahensya ng red alert at mayroong tatlong milyong family food packs na ipadadala sa mga lokal na pamahalaan para sumuporta sa stock ng mga relief goods.

“Continuous po yung aming operations monitoring with the different regions no kasama po yung buong [National Disaster Risk Reduction and Management Council].”

Nakaabang din ang 18,000 tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard para sa mga isasagawang rescue operations.

Anang opisyal, nakapagtala rin ang NDRRMC ng nasa P11.5 milyong halaga ng pinsala sa flood control structures sa Ilocos Region. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here