Home NATIONWIDE Mga bayan, lungsod sa Bulacan inalerto sa pag-apaw ng tubig sa Ipo...

Mga bayan, lungsod sa Bulacan inalerto sa pag-apaw ng tubig sa Ipo Dam

344
0

MANILA, Philippines – Inalerto ng mga opisyal ng isang lungsod at 10 munisipalidad sa Bulacan ang kani-kanilang mga nasasakupan partikular na ang mga nasa low-lying areas na maging alerto sa posibleng pag-apaw ng mga ilog matapos na maabot na ng Ipo Dam ang spilling level nito.

Sinabi ni Manuel Kukban Jr., pinuno ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nagsimulang maglabas ng 103.25 cubic meter per second (cms) na dami ng tubig ang Ipo Dam bandang alas-3 ng hapon nitong Sabado, Hulyo 19, matapos maabot ang 101.56 metro lampas sa 101-meter spilling level.

Ang malalakas na pag-ulan ay dulot ng pinagsanib na epekto ng Severe Tropical Storm Crising at southwest monsoon o “habagat.”

Nauna nang nag-isyu ang PDRRMO ng alert sa pag-apaw ng mga ilog sa City of Baliwag at mga munisipalidad ng Norzagaray, Angat, Bustos, San Rafael, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Hagonoy, at Paombong. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here