SEOUL – Dalawang tao ang namatay at dalawa ang nawawala sa South Korean resort town ng Gapyeong nitong Linggo, Hulyo 20 matapos ang pagguho ng lupa na tumama sa mga kabahayan at pag-baha na dulot ng malakas na pag-ulan.
Dahil dito, umabot na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa buong bansa kung saan 12 katao ang nawawala mula nang magsimula ang ulan noong Miyerkules.
Ayon sa weather forecast ng gobyerno ng South Korea nitong Linggo na titigil na ang pag-ulan at susundan naman ito ng heat wave.
Ang malakas na pag-ulan, na naunang tumama sa katimugang bahagi ng South Korea, ay lumipat sa hilaga, sinabi nito. RNT/MND