Home METRO 13 sugarol, tiklo sa anti-gambling ops sa Valenzuela

13 sugarol, tiklo sa anti-gambling ops sa Valenzuela

219
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Arestado ang labing-tatlong sugarol sa magkakahiwalay na anti-gambling operations ng pulisya at nakuhanan pa ng shabu ang lima sa kanila sa Valenzuela City.

Sa ulat ni P/MSgt. Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police OIC chief P/Col. Gerson Bisayas, dakong alas-11:45 ng bago magtanghali nang maaktuhan ng mga tauhan ng Ugong Police Patrol Base 8, ang tatlong lalaki na naglalaro ng cara y cruz sa kanto ng Mindanao Ave., at Tatalon St., Brgy. Ugong.

Nakuha sa kanila ang tatlong peso-coins na gamit bilang pangara at bet money habang nakuhanan naman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isa sa mga suspek na si alyas “Bon”, 33.

Sa Brgy. Malinta, huli din sa akto ng mga tauhan ng Malinta Police Patrol Base 4, ang anim na indibidwal na naglalaro rin ng sugal na cara y cruz at nasamsam sa kanila ang mga barya na gamit bilang pangara, bet money at dalawang plastic sachets ng umano’y shabu na nakuha kay alyas “Marlon”, 41, at alyas “Carl”, 24.

Dakong alas-2 naman ng madaling araw nang maaktuhan din ng mga tauhan ng Polo Police Patrol Base 5, ang dalawang lalaki na nagsusugal ng cara y cruz sa Dama De Notche St., Brgy. Tagalag at nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso-coins na gamit bilang pangara at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakumpiska kay alyas “Angel”, 38.

Habang alas-10:15 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Dalandanan Police Patrol Base 6, ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagsusugal din ng cara y cruz sa loob ng palengke sa Brgy. Malanday at nakuha sa kanila ang tatlong peso-coins na gamit bilang pangara, bet money at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nasamsam kay alyas “Leo”.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 at habang karagdagan na kasong paglabag sa RA. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa ng lima sa kanila. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here