Home METRO Turismo, haligi sa pag-unlad ng Pinas sa Marcos Admin

Turismo, haligi sa pag-unlad ng Pinas sa Marcos Admin

303
0

MANILA, Philippines – Kinikilala ng administrasyong Marcos ang turismo bilang mahalagang haligi sa pag-unlad ng bansa.

Nakapag-ambag kasi ang sektor ng 8.9% sa national economy at nakapagbigay ng 6.75 milyong direct jobs sa mga Filipino.

Taong 2024, ang Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) ng bansa, isang indicator na sumusukat sa value added ng tourism industry, tumaas ng P2.35 trillion, o 11.2% mas mataas kaysa sa P2.12 trillion na naitala noong 2023.

Matatandaang binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Frasco ang isang “holistic approach” sa tourism development.

“We are guided by a holistic approach to tourism development. One that balances economic opportunity, cultural integrity, and inclusive infrastructure,”ang sinabi ng Kalihim s kanyang July 16 speech sa Cebu City.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, pinag-iba- iba ng Department of Tourism (DoT) ang ‘tourism offerings’ nito kabilang na ang ‘medical at gastronomy tourism’ para makahikayat ng mga bisita mula sa mga mahahalaga at umuusbong na mga merkado.

“The Philippines is eager to tap into the huge Muslim outbound tourists, which is projected to reach USD225 billion by 2028,” ayon sa Kalihim.

Noong nakaraang taon lamang, tumanggap ang Pilipinas ng 613,000 turista mula sa Muslim-majority countries, isang 24% na pagtaas mula sa nakalipas na taon.

Ani Frasco, ang merkado gaya ng Malaysia, Indonesia, Saudi Arabia, at United Arab Emirates ay nagpapakita ng “strong and sustained growth,” nagpapatibay lamang ng pagiging potensiyal ng Pilipinas bilang isang Muslim-friendly destination.

Itinaas din ng gobyerno ang promosyon nito sa ‘top markets’, kabilang ang South Korea, ipinagpapatuloy ang paghikayat sa mga mamamayan ng bansa nito.

Maliban sa developing tourism products, pinalakas din ng gobyerno ang partnership nito sa stakeholders para palakasin ang ‘air connectivity’ at palawigin ang access sa bansa.

“These are not isolated programs. They are part of a unified effort to ensure that the Philippines is not just beautiful or fun, but authentic, respectful, and competitive on the global stage,” ang sinabi ni Frasco. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here