Home METRO PH bukas sa pagpapababa sa taripa ng ilang US goods -Recto

PH bukas sa pagpapababa sa taripa ng ilang US goods -Recto

272
0

MANILA – Bukas ang Pilipinas sa pagbabawas ng mga taripa sa ilang produkto mula sa United States bilang bahagi ng kanilang bid para masiguro ang zero o mas mababang reciprocal taripa mula sa US, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto.

“Not for all products but we have identified a set of products,” saad ni Recto.

Sinisikap ng Pilipinas na mapagaan ang epekto ng panukalang 20 porsiyentong taripa ng US sa mga export ng Pilipinas.

Sinabi ni Recto na ang pagbaba ng taripa sa ilang kalakal ng US ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa bansa.

“But we’ve calculated that and gave our input to (Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs) Secretary Deck (Go) on what we can negotiate. All of that has been computed. And it’s safe to say that we’re okay in terms of losses,” aniya.

Ang pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority ay nagpakita na ang US ay binubuo ng pinakamataas na halaga ng pag-export na nagkakahalaga ng USD1.115 bilyon, o 15.3 porsiyento ng kabuuang pag-export ng bansa noong Mayo ngayong taon.

Sinabi ni Recto na isinusulong din ng Pilipinas ang posibleng free trade agreement (FTA) sa Estados Unidos at iba pang bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here