Home ENTERTAINMENT Labi ni Jinkee, hawig na raw kay Mommy Dionesia!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Labi ni Jinkee, hawig na raw kay Mommy Dionesia!July 22, 2025 13:033150 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Nevada, USA – Scene stealer.Ganito kung ilarawan ang awra ni Jinkee Pacquiao sa naging laban ng asawang si Manny nitong July 20.Nakipagbakbakan sa ring ang dating senador kay Mario Barrios.Kinabog naman ni Jinkee ang dapat sana’y moment kung saan bida si Pacman.Agaw-pansin kasi ang kanyang purple dress na tinernuhan ng kanyang purple-dyed hair.“Bini Jinkee” nga ang tawag sa kanya, “the real winner” at “totoong reyna.”Napagkamalan pa ngang si Heart Evangelista si Jinkee.Paano ba naman, nagsusumigaw ang pinaghandaan niyang OOTD a la Heart pag rumarampa pag libre na siya sa inaatenang fashion week sa Milan at Paris.What’s more, attention-getter siyempre ang mga branded stuff ni Jinkee.May mga netizen ding nakapansin sa lips o labi ni Jinkee.Hindi raw kasi sila nagkakalayo ng biyenan niyang si Mommy Dionesia.Yun nga lang, ewan kung maituturing ni Jinkee na compliment ito.Kung si Pacman ay ex-senador, si Jinkee nama’y eksenadora!Laban kayo? Ronnie Carrasco III