Home NATIONWIDE Bahagi ng 18 kalsada sa Luzon sarado pa rin – DPWH...

Bahagi ng 18 kalsada sa Luzon sarado pa rin – DPWH sa baha, landslide

273
0

MANILA, Philippines – Sarado sa mga motorista ang 18 national road section sa buong bansa dahil sa patuloy na pag-uulan dala ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), simula alas-6 ng umaga ng Martes, Hulyo 22 ay isinara na ang 18 national road section dahil sa pagguho ng lupa, naputol na mga kalsada at matinding pagbaha.

Sa 18 na apektadong road sections, 12 ang nasa Metro Manila, tatlo sa Cordillera Administrative Region, dalawa sa Central Luzon at isa sa Western Visayas.

Samantala, iniulat din ng DPWH ang 15 iba pa na national road sections na may limitadong access dahil din sa ibat-ibang panganib tulad ng pagbaha, precautionary closures, pagguho ng lupa, mga natumbang puno, madulas na kalsada, at nawash-out na mga detour road.

Lahat naman ng iba pang national roads at tulay sa mga apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here