Home ENTERTAINMENT Ryza Cenon, nagpaliwanag sa paglayas sa Kapuso!

Ryza Cenon, nagpaliwanag sa paglayas sa Kapuso!

336
0

Manila, Philippines- Sa guesting ni Ryza Cenon sa Fast Talk with Boy Abunda ay deretsahang binanggit niya na wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang pag-alis noon sa GMA 7 para lumipat sa ABS-CBN.

Kumbaga, kahit daw sunod sunod ang mga ibinigay na projects sa kanya ng Kapuso network ay nagdesisyon ang aktres na lumipat sa Dos, huh!

FYI, isang malaking success ang afternoon series niyang “Ika-6 na Utos” sa GMA7 kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion pero after na matapos niyang gawin ito ay lumipat na siya sa Kapamilya Network.

“May mga ganoong feeling po habang ginagawa siya. Ibig sabihin hindi siya ganoon kadali. Mahirap po siyang gawin,” pagbabalik-tanaw pa ni Ryza.

“Sinabi ko naman po na parang gusto kong mag-explore. Gusto kong lumaki pa po, lumawak pa po ‘yung mundo ko. Like, gusto ko pong gumawa ng pelikula. Gusto ko pa pong makakilala, makatrabaho pa po ng ibang artista,” dagdag paliwanag pa ng aktres.

“Pero hindi naman po ako umalis ng GMA na basta umalis na lang. Nagpaalam po ako nang maayos.

“Umakyat po ko sa itaas. Inisa-isa ko po sila para magpaalam po,” sabi pa rin niya kay Kuya Boy.

Dagdag paliwanag pa rin naman ni Ryza na hindi raw naman ganu’n kadaling lumipat ng network pero may mga pangangailangan din naman siya at ang kanyang pamilya, huh! Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here