Home HOME BANNER STORY LPA sa silangan ng Aurora, Tropical Depression Dante na!

LPA sa silangan ng Aurora, Tropical Depression Dante na!

238
0

MANILA, Philippines – Nabuo na bilang isang tropical depression ang low pressure area na namonitor sa silangan ng Aurora ngayong Martes ng hapon, Hulyo 22.

Ayon sa PAGASA, ang tropical depression ay tatawaging Dante.

Sa tropical cyclone update na inisyu alas-4 ng hapon, huling namataan ang Tropical Depression Dante sa layong 1,120 kilometro silangan ng Northern Luzon at kumikilos sa direksyong north-northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Bukod dito, mayroon pang dalawang LPA ang minomonitor ng PAGASA sa Philippine area of responsibility. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here