Home NATIONWIDE 6 pantalan minomonitor ng PCG sa masamang panahon

6 pantalan minomonitor ng PCG sa masamang panahon

223
0

MANILA, Philippines – Anim na pantalan ang binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng masamang panahon dahil sa Habagat.

Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, ipinakita sa datos ng PCG na mayroong kasaluyang 21 stranded na pasahero at isang vessel sa Cavite Gateway Terminal.

Samantala, anim na vessel at 47 motorbanca ang nakasilong sa ibang pantalan.

Sa port of Lazi, may dalawang vessels at apat na matorbanca ang sumisilong sa ngayon.

Pinaalalahanan ng PCG ang publiko na iwasan ang maglayag kapag masama ang lagay ng panahon.

Kung kinakailangan, pinayuhan ng ahensya ang lahat na magdala ng life jackets.

Nagdeploy ang PCG ng libreng sakay sa mga bus at truck simula Lunes upang tulungan ang mga komyuters na may ruta mula Quiapo hanggang Angono sa Rizal at Fairview sa Quezon City at mula Lawton hanggang Alabang, Muntinlupa City.

Nagdagdag din ng ruta nitong Martes mula Roxas Boulevard hanggang Sucat Paranaque. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here