Home OPINION PAG-UUGNAY NG AGHAM AT INDUSTRIYA GINANAP SA 50TH ANNIVERSARY NG NAST PHL

PAG-UUGNAY NG AGHAM AT INDUSTRIYA GINANAP SA 50TH ANNIVERSARY NG NAST PHL

254
0

NAGBIGAY ng suporta sa siyentipikong pagtitipon ang mga national scientist na sina Dr. Dolores Ramirez, Dr. Lourdes Cruz, Dr. Carmencita Padilla, Dr. Ernesto Domingo, Dr. Raul Fabella at Dr. Emil Javier.

Isa sa mga naging sentro ng unang araw ng siyentipi­kong pagtitipon ay ang plenary lecture ukol sa pagsasanib ng agham at negosyo tungo sa paglikha ng yaman at hanapbuhay sa mga komunidad, inobasyon sa agrikultura, at bioscience engi­neering. Naging mga tagapagsalita sina academicians Cleofas Cervancia at Homer Pantua ng Biological Sciences Division ng NAST Philippines, Dr. Deoflo­rence Onda ng UP Diliman –

The Marine Science Institute, Jovy Hernandez ng Metro Pacific Agro Ventures, Gonzalo Serafica ng Engineering Sciences and Technology Division, NAST Phi­lippines, Danilo Manayaga ng Secure International Corporation, Philip Cruz ng Herbanext Laboratories, Inc., Jan Vincent Sollesta ng GallenX, at Dr. Romulo De Castro ng University of San Agustin.

Bago ang mas malaking siyentipikong pagpupulong ay nagkaroon muna ng regional scientific meetings na isinagawa sa General Santos city noong Marso 26 hanggang 27, 2025 para sa Mindanao, sa Iloilo City mula April 29 hanggang 30, 2025 para sa Visayas, at sa Luzon ay sa Cavite noong May 20 hanggang 21, 2025.

Inaasahang magpapatuloy ang diskurso sa mga susunod na araw ng siyentipikong pagpupulong, na pagtutuunan ng pansin ang mga oportunidad sa bioscien­ce para sa green eco­nomy, health innovation, at digi­tal trans­formation.

Binigyang pagpupugay rin ang mga natatanging siyentipiko sa pamamagitan ng NAST Ta­lent Search for Young Scientists at NAST Outstanding Scienti­fic Papers Awards, na layuning kilalanin at itanghal ang mga bagong lider sa larangan ng ag­ham.

Noong ika-10 ng Hulyo, gi­nanap ang pormal na sere­monya sa pagtanggap sa tatlong bagong magiging bahagi ng NAST na sina academicians Dr. Wilfredo Roehl Licuanan, Dr. Leoca­dios Sebastian, at Dr. Charles Yu.

Ilulunsad din ang pagsisimula ng 50th anniversary ng NAST na may temang “Science-based, Technology supported enterpri­ses.”
Sa kabuuan, ang 47th ASM na pinangunahan nina Dr. Windell Rivera bilang chairperson ng steering committee at NAST Philippines executive director Luningning Samarita-Domingo, ay nagsisilbing mahalagang plata­porma upang pag-ugnayin ang agham at industriya, tungo sa mas masagana, inklusibo, at maka-kalikasang kinabukasan para sa sambayanang Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here