Home OPINION DISGRASYA SA DAGAT LAGING PAGHANDAAN

DISGRASYA SA DAGAT LAGING PAGHANDAAN

277
0

TATLONG malaking magkakasunod na disgrasya sa karagatan ang naganap sa Asya nitong nagdaang mga araw.

Nakatatakot isiping posibleng mangyari ito sa Pilipinas sa mga panahong ito.

DISGRASYA SA VIETNAM

Nauna ang tourist boat na bumaligtad sa Halong Bay, Vietnam na isang United Nations World Heritage site nitong nakaraang Sabado bago mag-ala-una ng hapon.

May sakay na 48 pasahero, kasama ang mga magpapamilya, at 5 crew ang Wonder Sea nang biglang bumuhos ang ulan at sinabayan ito ng mga kulog at kidlat.

Bigla ring lumakas ang mga alon na siya nang nagpataob sa tourist boat at dahil dito, nawalan na ito ng komunikasyon sa iba, lalo na sa mga awtoridad para sa paghingi ng tulong.

Sa huli, humina ang mga alon ngunit nagtuloy-tuloy ang malakas na ulan na nagpahirap sa maraming rescuer na sumaklolo sa mga biktima.

Karamihan ang na-trap sa loob ng sasakyan at sa kalaunan, 11 lamang ang nasagip na buhay.

Inabot ng gabi ang pag-rescue at sinasabing maaaring isa sa mga dahilan ang paglapit ni bagyong Crising sa lugar mula sa Pilipinas.

Gayunman, normal umanong nagaganap ang mga biglaang pagsama ng panahon sa lugar.

BARKO NASUNOG SA INDONESIA

Nitong Lunes naman, nasunog naman ang pampasaherong barko sa karagatan ng Manado, Indonesia sa tanghaling tapat.

May sakay itong mahigit na 650 at tatlo ang nasawi.

Mabuti at karamihan sa mga pasahero ang nagkaroon ng mga life jacket.

Swerte rin na tanghaling tapat naganap ang pangyayari at walang masamang panahon.

Nagsitalunan lahat ang mga pasahero sa tubig-dagat makaraang hindi na mapigilan ng mga crew ang sunog.

Lahat naman ng mga mangingisda sa lugar, navy, coast guard at volunteer groups ang nagtulong-tulong para iligtas ang mga pasahero.

Kung saang isla malapit sa lugar, doon dinala ang mga pasahero.

Sa unang linggo ng buwang ito, may nauna nang ferry na  lumubog sa karagatan ng Bali, Indonesia na isang tourist spot at namatay ang 19 at 16 ang missing sa mga pasahero.

Umabot sa 1,000 katao ang nagtulong-tulong para sa search and rescue at kasama rito ang mga barko ng navy, coast guard, helikopter at mangingisda at divers.

PINOY MAGHANDA

Hindi imposibleng mangyari ang mga ito sa ating mahal na Pinas.

Ilang beses na rin tayong nadisgrasyahan ng mga bangka at barko.

May 4,000 namatay sa sunog at lunod nang magbanggaan ang MV Doña Paz at MT Vector na oil tanker noong Disyembre 20, 1983 sa karagatan ng pagitan ng Marinduque at Oriental Mindoro.

Nasa 116 namang sakay ng Super Ferry 14 ang binomba ng mga Abu Sayyaf habang palabas sa Manila Bay noong Pebrero 2004.

Ang Dona Marilyn, namatayan ng 389 pasahero nang lumubog ito dahil sa bagyong Unsang noong Oktubre 1988 habang namatayan din ang MV Princess of the Stars ng 437 noong Hunyo 2008 dahil sa bagyong Frank.

DAPAT MAGHANDA

Hindi na talaga bago ang mga disgrasya sa karagatan sa Pinas dahil sa masasamang panahon o iba pang mga pangyayari gaya ng sunog.

Ano-ano ba ang mga paghahanda natin sa mga pangyayaring ganito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here