NAGBIGAY ng suporta sa siyentipikong pagtitipon ang mga national scientist na sina Dr. Dolores Ramirez, Dr. Lourdes Cruz, Dr. Carmencita Padilla, Dr. Ernesto Domingo, Dr. Raul Fabella at Dr. Emil Javier.
Isa sa mga naging sentro ng unang araw ng siyentipikong pagtitipon ay ang plenary lecture ukol sa pagsasanib ng agham at negosyo tungo sa paglikha ng yaman at hanapbuhay sa mga komunidad, inobasyon sa agrikultura, at bioscience engineering. Naging mga tagapagsalita sina academicians Cleofas Cervancia at Homer Pantua ng Biological Sciences Division ng NAST Philippines, Dr. Deoflorence Onda ng UP Diliman –
The Marine Science Institute, Jovy Hernandez ng Metro Pacific Agro Ventures, Gonzalo Serafica ng Engineering Sciences and Technology Division, NAST Philippines, Danilo Manayaga ng Secure International Corporation, Philip Cruz ng Herbanext Laboratories, Inc., Jan Vincent Sollesta ng GallenX, at Dr. Romulo De Castro ng University of San Agustin.
Bago ang mas malaking siyentipikong pagpupulong ay nagkaroon muna ng regional scientific meetings na isinagawa sa General Santos city noong Marso 26 hanggang 27, 2025 para sa Mindanao, sa Iloilo City mula April 29 hanggang 30, 2025 para sa Visayas, at sa Luzon ay sa Cavite noong May 20 hanggang 21, 2025.
Inaasahang magpapatuloy ang diskurso sa mga susunod na araw ng siyentipikong pagpupulong, na pagtutuunan ng pansin ang mga oportunidad sa bioscience para sa green economy, health innovation, at digital transformation.
Binigyang pagpupugay rin ang mga natatanging siyentipiko sa pamamagitan ng NAST Talent Search for Young Scientists at NAST Outstanding Scientific Papers Awards, na layuning kilalanin at itanghal ang mga bagong lider sa larangan ng agham.
Noong ika-10 ng Hulyo, ginanap ang pormal na seremonya sa pagtanggap sa tatlong bagong magiging bahagi ng NAST na sina academicians Dr. Wilfredo Roehl Licuanan, Dr. Leocadios Sebastian, at Dr. Charles Yu.
Ilulunsad din ang pagsisimula ng 50th anniversary ng NAST na may temang “Science-based, Technology supported enterprises.”
Sa kabuuan, ang 47th ASM na pinangunahan nina Dr. Windell Rivera bilang chairperson ng steering committee at NAST Philippines executive director Luningning Samarita-Domingo, ay nagsisilbing mahalagang plataporma upang pag-ugnayin ang agham at industriya, tungo sa mas masagana, inklusibo, at maka-kalikasang kinabukasan para sa sambayanang Filipino.






