MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Dante habang patuloy itong kumikilos pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, inaasahang palalakasin ng Tropical Depression Dante ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang probinsya.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,055 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Maaaring maabot ni Dante ang tropical storm category ngayong Miyerkules, Hulyo 23.
Inaasahang gagalaw ang bagyong Dante sa Philippine Sea ngayong araw at kikilos patungong Ryukyu Islands at East China Sea.
Maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility, Huwebes ng gabi, Hulyo 24. RNT/JGC