Home HOME BANNER STORY NLEX nakikipagtulungan na sa gov’t agencies, LGUs sa long-term flood solutions

NLEX nakikipagtulungan na sa gov’t agencies, LGUs sa long-term flood solutions

284
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng NLEX Corp., operator ng North Luzon Expressway, na nakikipagtulungan na ito sa mga ahensya ng pamahalaan at local government units (LGUs) para magbigay ng long-term na solusyon sa mga pagbaha kasunod ng matinding pagbaha na naranasan sa ilang bahagi ng expressway sa kasagsagan ng malalakas na ulan dala ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa pahayag, sinabi ng NLEX Corp. na kaligtasan ang ‘top priority’ nito sa paghimok sa mga motorista na imonitor ang official weather bulletins at iwasan ang non-essential travel sa ganitong panahon.

Noong Lunes, Hulyo 21, ay umapaw ang mga ilog at creek sa Valenzuela at Meycauayan dahilan para bumaha rin sa bahagi ng NLEX.

“It resulted in flooding at certain portions of NLEX, despite the continuous operations of pumping stations.”

“These led to the temporary closures of Balintawak Cloverleaf and the Valenzuela Northbound and Southbound portions, including several expressway entry and exit points,” ayon pa sa kompanya.

Agad naman na nagpadala ng team para imonitor ang sitwasyon, sukatin ang lebel ng tubig at magbigay ng on-site assistance sa mga apektadong motorista.

Ginamit din ang mga patrol at emergency team para magbukas ng U-turn slots at padaanin ang mga sasakyan sa mas ligtas na ruta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here