Home NATIONWIDE Ilang lugar sa Maynila lubog pa rin sa baha

Ilang lugar sa Maynila lubog pa rin sa baha

290
0

MANILA, Philippines – Ilang lugar sa Maynila ang lubog pa rin sa tubig baha dahil sa epekto ng bagyong Crising at Habagat.

Sa situational report ng Manila Police District (MPD), walang iniulat na pagbaha sa karamihang istasyon ng pulis mula alas-4 ng madaling araw.

Gayunman, may pagbaha ngunit nadaraanan naman ng sasakyan o mga motorista ang ilang kalsada tulad ng:

-Taft Avenue mula Apacible hanggang UN Avenue (PS-5) – bahain pero madadaanan ng mga sasakyan.

-Tayuman cor. Jose Abad Santos, Brgy 229, Tondo (PS-7) – bahain pero passable sa lahat ng uri ng sasakyan.

-M.H. Del Pilar papuntang Quirino Avenue (PS-9) – baha pero nadaraanan.

-Main Road, Brgy 649, Baseco Compound, Port Area (PS-13) – lubog sa baha at hindi madaanan ng ligh vehicles. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here