Home ENTERTAINMENT Kris, inaming 11 na ang bilang ng sakit!

Kris, inaming 11 na ang bilang ng sakit!

202
0

Manila, Philippines- Labing-isa na ang kabuuang bilang ng autoimnune disease na iniinda ngayon ni Kris Aquino.

Ito ang mismong inamin niya sa isa sa kanyang mga social media pages.

Nito lang kasagsagan ng bagyong Crising ay nag-live siya kasama si Bimby para sagutin ang mga katanungan ng mga netizens.

Ani Kris, ang 11th na iniinda niya na rheumatod arthritis ay resulta ng ikasampu na uri ng kanyang autoimmune disease.

Her 10th is the result of the 9th.

Sa ngayon, dumedepende si Kris sa wheelchair.

Sinisisi niya ang bagyong Crising na nagdulot daw ng pain o sakit, malamang dahil sa lamig ng panahon.

Nangako rin si Kris na ang 6’2″ katangkad na anak na si Bimby will take over her social media pages.

Inilarawan niya itong “athletic and too charming.”

Pero nakiusap si Kris na: “Basta walang bastusan.”

Inamin ni Kris na bagama’t nahihirapan na siya sa kanyang sakit: “I know my sons are not ready yet.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here