Home ENTERTAINMENT Billy, humirit ng bag kay Sharon!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Billy, humirit ng bag kay Sharon!July 23, 2025 08:271540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Pre-loved stuff of Sharon Cuneta, anyone?Tiyak na marami ang mga kapwa artistang nagkukumahog, makabili lang ng mga pre-loved items ng Megastar.Ito ay matapos siyang mag-post na didispatsahin na niya ang mga ito tulad ng kanyang mga luxury bags and what-have-you.Sharon posted: “I have decided to downsize my life and get rid of things I no longer use (and have never used)!”Isa nga sa mga maagang rumesponde ay si Martin Nivera who posted: “Can I have your bags then? Hahaha!”Ewan kung nagbibiro ang Concert King pero tila may isang sumeryoso.Ito’y walang iba kundi si Billie Crawford na inaanak pala ni Sharon .Hirit ni Billie: “Ninang, puwede bang humingi ng konting bags para kay Coleen?”Ang ipinanghihingi ni Billie ay ang kanyang asawa na buntis sa ikalawa nilang anak.Naku, mukhang masisira si Sharon sa orihinal niyang plano.Balak kasi niyang pagkakitaan ang mga walang silbi niyang gamit, as in nenegosyohin niya.Pero maaatim ba niyang singilin ang mga tulad ni Billie na inaanak pa mandin niya?Anyway, marami ang nag-aabang kung kelan ang garage sale ni Sharon ng kanyang mga gamit.For sure, abot-kaya ang presyo ng mga ‘yon.Hiling ng mga interesadong buyers, maglabas sana si Sharon ng listahan ng mga items with corresponding prices. Ronnie Carrasco III