Home HOME BANNER STORY Walang pasok sa NCR, 35 probinsya sa Hulyo 24; WFH pinayagan sa...

Walang pasok sa NCR, 35 probinsya sa Hulyo 24; WFH pinayagan sa gov’t offices

281
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Malacañang ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at 35 probinsya ngayong Huwebes, Hulyo 24, dahil sa pinalakas na habagat dulot ng bagyong Dante at Emong.

Batay sa Memorandum Circular No. 91 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, pinapayagan ang work-from-home para sa mga empleyado ng gobyerno sa mga apektadong lugar maliban sa mga sangkot sa serbisyong pangkalusugan at disaster response.

Kabilang sa mga probinsyang saklaw ang Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon, Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Cagayan, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique, at Iloilo.

Samantala, ipinauubaya naman sa mga pribadong opisina kung magsususpinde ng operasyon. Maaaring magdeklara ng sariling suspensyon ang LGUs sa labas ng mga nabanggit na lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here