Home HOME BANNER STORY 2 lugar, Signal No. 3 kay Emong; Dante nananatiling malakas

2 lugar, Signal No. 3 kay Emong; Dante nananatiling malakas

220
0

MANILA, Philippines – Lumalakas ang Severe Tropical Storm Emong habang kumikilos pa-southwest sa dagat kanluran ng Ilocos Region, ayon sa PAGASA nitong Huwebes ng umaga.

Ang Signal No. 3 ay nakataas sa hilagang Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani) at kanlurang La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, Lungsod ng San Fernando, Bauang, Caba).

Huling namataan si Emong 245 km kanluran ng Bacnotan, La Union, taglay ang hangin na 110 kph at bugso hanggang 135 kph, kumikilos sa bilis na 25 kph.

Posibleng mag-landfall ito sa Ilocos Region ngayong gabi o madaling araw bukas bilang bagyo bago lumabas patungong Luzon Strait at Babuyan Islands.

Nakataas naman ang Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng La Union, ilang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, gitnang Pangasinan, at kanlurang Nueva Vizcaya.

Habang ang Signal No. 1 ay nakataas sa ilang probinsya tulad ng Batanes, Cagayan, Isabela, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, at Quirino.

Samantala, nananatiling malakas ang Tropical Storm Dante habang papalapit sa Ryukyu Islands taglay ang hangin na 75 kph.

Walang nakataas na signal para kay Dante ngunit magdadala ng malakas na hangin at ulan ang habagat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, MIMAROPA, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

May gale warning sa kanlurang baybayin ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here