PINAALALAHANAN ng Department of Energy (DOE) ang mga negosyante ukol sa price freeze sa mga lugar na nagkaroon ng deklarasyon ng state of calamity.
“Alam naman po natin kapag ang isang lugar po ay nagkaroon ng deklarasyon ng state of calamity, dapat po magkakaroon po tayo ng price freeze — hindi puwedeng itaas ang presyo ng LPG, lalo na sa household, sa loob ng labinlimang araw,” ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan sa Bagong Pilipinas Ngayon program sa PTV4.
May ilang munisipalidad at lungsod sa Pangasinan, Antique at Metro Manila ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pagbaha nitong weekend.
Sa katunayan, araw ng Martes, ang lalawigan ng Cavite, Quezon City, at Calumpit, Bulacan ay nagdeklara rin ng state of calamity.
Tiniyak naman ni Marasigan sa publiko ang ginagawang paglutas ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtugon sa epekto ng nagpapatuloy na pag-ulan dala ng bagyo simula pa noong nakaraang linggo at pinalakas ng southwest monsoon.
Winika ni Marasigan na ang inter-agency Energy Resilience Task Force ay nagpulong araw ng Martes, kung saan napag-alaman na may mga ospital na flood-prone kaya kailangan na mainspeksyon upang masiguro na walang panganib at matatag ang kanilang power supply.
“An evacuation center in Morong, Rizal also lost electricity, but the Manila Electric Co. (Meralco) has been tapped to provide temporary generator set,” anito.
Samantala, sinabi naman ng Meralco na “only less than 1 percent” ng customers nito ang walang suplay ng kuryente, as of 4 p.m., araw ng Miyerkules.
Sinabi ng kompanya na may 2,790 customers ang nananatiling walang suplay ng kuryente at ang mga ito ay matatagpuan sa mga lugar na nananatiling may baha, karamihan ay sa Cavite, Metro Manila at Bulacan.
“As we near completion of our restoration activities, we would like to thank our customers for their patience and understanding and assure them that we will continue to closely monitor the weather situation and respond to electricity-related incidents, while prioritizing safety,” ang sinabi ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga. Kris Jose