Home METRO Gobyerno naghahanap ng aternatibong paraan ng pagtuturo sa gitna ng class suspensions

Gobyerno naghahanap ng aternatibong paraan ng pagtuturo sa gitna ng class suspensions

306
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes, Hulyo 24 na naghahanap ang gobyerno ng mga alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga mag-aaral sa gitna ng masamang panahon.

Sinabi ito ni Marcos dahil sinuspinde ang klase sa lahat ng antas nitong mga nakaraang araw dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha na tumama sa Metro Manila at karamihan sa mga lalawigan ng Luzon.

“Lahat ng pinupuntahan ko eh walang pasok, papaano ngayon itong ating mga kabataan. Kailangan naman natin… lugi sila,” saad ni Marcos.

“We’re finding alternative ways, teaching ways para sa ating mga bata, sa ating mga estudyante,” dagdag pa niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here