Home METRO One-time death, disability aid isinulong para sa BSK leaders sa BARMM

One-time death, disability aid isinulong para sa BSK leaders sa BARMM

290
0

COTABATO CITY, Philippines – Isang miyembro ng parliyamento (MP) ang naghain ng panukalang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa pamilya mga opisyal ng barangay at mga pinuno ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sakaling sila ay mamatay o lubhang masaktan habang gumaganap ng mga opisyal na tungkulin, bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.

Kamakailan ay inihain ni MP Naguib Sinarimbo ang Parliament Bill No. 379 na naglalayong magbigay ng one-time death benefit at permanent disability assistance sa mga pamilya ng mga opisyal ng barangay at SK chairperson sa BARMM. Ito ay co-authored ng 28 iba pang MP.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Sinarimbo na ang pangunahing makikinabang sa kanyang panukalang batas ay ang mga punong barangay, mga miyembro ng konseho ng barangay, kalihim ng barangay at ingat-yaman ng barangay, mga SK chairperson, at Indigenous Peoples Mandatory Representative sa barangay council.

Ang monetary assistance ay mula P500,000 hanggang P1,000,000, na ang eksaktong halaga ay tutukuyin ng Ministry of Finance and Budget Management (MFBM), batay sa posisyong hawak ng mga opisyal.

Sinabi ni Sinarimbo na inaasahan niya itong magiging batas bago ang pagsasagawa ng unang parliamentary elections sa rehiyon ng Bangsamoro sa Oktubre 13 ngayong taon.

Sa ilalim ng mga umiiral na batas, ang mga pamilya ng mga opisyal ng barangay na namamatay habang gumaganap ng kanilang mga tungkulin ay makakakuha lamang ng P20,000 na death benefits. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here