Home METRO Pag-agos ng lahar sa Mayon, ibinabala

Pag-agos ng lahar sa Mayon, ibinabala

217
0

ALBAY, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Hulyo 24, sa posibleng pag-agos ng lahar ng Bulkang Mayon habang patuloy ang malakas na pag-ulan sa Bicol region.

Sa lahar advisory na inilabas alas-7 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na ang matinding pag-ulan mula sa Severe Tropical Storm “Emong,” ang mga labi ng Tropical Storm “Dante,” at habagat ay maaaring mag-trigger ng remobilization ng loose volcanic debris mula sa mga nakaraang pagsabog.

“These sediment-laden streamflows may inundate, bury, or wash out downstream communities,” saad ni Deborah Fernandez, resident volcanologist at the Phivolcs Mayon Observatory.

Ang mga residenteng nakatira malapit sa mga pangunahing channel—kabilang ang Miisi, Mabinit, Buyuan, at Basud—ay pinayuhan na manatiling mapagmatyag, dahil ang mga lugar na ito ay naglalaman pa rin ng mga pyroclastic materials na idineposito noong 2018 at 2023 na pagsabog.

Ang iba pang high-risk drainage system na natukoy ay kinabibilangan ng Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Matanag, at Bulawan, lahat sa loob ng lalawigan ng Albay.

Sa bayan ng Guinobatan, nilinis ng mga lokal na opisyal ang pinaniniwalaang mga labi ng bulkan na tumapon sa mga kalsada sa Barangay Masarawag. Ang pagguho at pagbaha ay naging dahilan upang hindi madaanan ang mga daan patungo sa bayan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here