Home METRO Bayan sa Ilocos Sur nagsagawa ng pre-emptive evacuation kay ‘Emong’

Bayan sa Ilocos Sur nagsagawa ng pre-emptive evacuation kay ‘Emong’

250
0

SANTA, Ilocos Sur – Ipinag-utos ng pamahalaang munisipyo dito ang pre-emptive evacuation ng mga residenteng nakatira sa mga coastal barangay para mabawasan ang epekto ng Bagyong Emong.

“With expected heavy rainfall, strong winds, flooding, landslides, storm surge, and the possibility of raising Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 in Ilocos Sur based on latest weather bulletin, the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council has recommended the urgent need to implement pre-emptive evacuation,” saad ni Mayor Jeremy Jesus Bueno III sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 24.

Sa ilalim ng dalawang pahinang Executive Order 106 na nilagdaan ni Bueno nitong Huwebes, ang lokal na pamahalaan ay nagtalaga ng ilang mga evacuation site tulad ng Santa Central School, Santa Farmers Multi-purpose Hall, at Knights of Columbus building.

Samantala, ang mga buntis, matatanda at maysakit na evacuees, gayundin ang mga nagpapasusong ay hinihimok na manatili sa Rural Health Unit ng Santa hanggang sa matapos ang bagyo.

Nitong Huwebes ng tanghali, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang bayan.

Sinabi ni Bueno na ang lahat ng punong barangay at miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ay pinakilos upang matiyak ang organisado at ligtas na paggalaw ng mga evacuees bago ang gabi.

Nagpataw din si Bueno ng pansamantalang liquor ban at ipinatupad ang curfew mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Ang lahat ng mga rescue asset, emergency supplies, at relief resources ay na-preposition na upang matiyak ang maayos na pagkakaugnay na tugon sa emerhensiya, sabi ng alkalde.

Bago si Emong, nagsagawa ng inter-agency disaster preparedness meeting, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa vital response and support agencies, kabilang ang Santa Municipal Police Station, Municipal Social Welfare and Development Office, Rural Health Unit, Department of Health, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Santa Tricycle Operators and Drivers Association, Knights of Columbus, at iba pang tanggapan at katuwang ng lokal na pamahalaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here