MANILA, Philippines – Patuloy na kinansela ng mga lokal na airline ang ilang domestic at international flights dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Emong (international name Co-May) at Tropical Storm Dante (international name Francisco).
Miyerkoles pa lang ng gabi, inanunsyo ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang pagkansela ng mga flight na naka-iskedyul sa Hulyo 24 at 25.
Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na 70 flight ang nakansela noong Huwebes:
Ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag-rebook, mag-reroute, o mag-refund ng kanilang mga tiket.
Nitong Huwebes, patuloy na nagdudulot ng malakas na ulan at malakas na hangin ang habagat at Bagyong Emong sa iba’t ibang lugar, lalo na sa buong Luzon. RNT/MND