Home METRO Magat dam, nagpakawala ng tubig

Magat dam, nagpakawala ng tubig

228
0

ISABELA, Philippines – Una na nang naglabas ng abiso ang pamunuan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa publiko tungkol sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam ngayong araw, Hulyo 24.

Sa direktiba ni Engr. Carlo Ablan, Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS kay Officer in Charge Engr. Edwin Viernes na magrerelease sila ng tubig sa reservoir kaninang alas nuebe ng umaga.

Kung saan ay agad silang nagsagawa ng pre-emptive release para mapababa ang water elevation sa reservoir bilang paghahanda sa ulang dala ng tropical depression Dante o ng bagyong Emong.

Bubuksan ang isang metrong opening ng Gate 4 na may tinatayang water discharge na 160 cubic meters per second.

Batay sa kanilang monitoring, nasa 186 meters na ang water elevation ng dam kung saan ang average inflow ng tubig sa maghapon kahapon ay asa 413 cubic meters per second habang ang outflow ay nasa 210 cubic meters per second o halos kalahati ang naiiwan sa reservoir kaya mabilis ang pagtaas ng lebel ng tubig.

Sinabi nito, Inabisuhan nila ang power generating company na gamitin ang inflow ngunit hindi ito kakayanin kaya kailangan ng pagbubukas ng spillway gate upang mamentena ang normal water elevation ng dam o maibaba ito hanggang 184 meters.

Kasabay nito, pinayuhan ng NIA-MARIIS sa pamunuan ni Engr. Gileu Michael O. Dimoloy, Department Manager A ang publiko na maging mapagmatyag at iwasan muna ang pamamalagi sa Magat River dahil sa maaring epekto ng pagpapalabas na biglang pagtaas ng tubig.

Lalo ang mga kagamitan at alagang hayop na ilagay sa mataas na lugar na hindi naabot ng tubig na dulot ng bagyo Dante at Emong. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here