Home ENTERTAINMENT Maris, sinabihang mukhang ngarag at suplada!

Maris, sinabihang mukhang ngarag at suplada!

278
0

Manila, Philippines- Kulang na lang ay gawing incognito ni direk Antoinette Jadaone si Maris Racal sa isang kinunang eksena sa pelikulang Sunshine.

Pinaglakad kasi ni direk ang Kapamilya actress sa isang mataong lugar.

So as not to get recognized by the people around ay sinadyang hindi inapplyan ng makeup si Maris.

Pero may isang babae sa crowd na nakakilala sa kanya.

Walking way past her, narinig daw ni Maris ang sinabi nito.

“Si Maris Racal ba ‘yon? Mukhang haggard…hindi pa namamansin!” sey daw ng babae.

Hindi na itinago ng aktres ang kanyang reaksyon matapos kunan ang eksena.

Ani Maris: “Na-hurt naman ako du’n… ang hapdi sa puso!”

In fairness, habang sinasabi ‘yon ni Maris ay tumatawa pa siya.

As in walang trace ng pagkapikon.

Nag-blend in naman kasi siya sa masa, who’d ever think na may artista sa kalye at may shooting ng pelikula? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here