NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang barangay chairman habang sugatan ang kanyang anak matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Guimba, Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cenon Pineda, Jr., 55, chairman ng Barangay Banitan, Guimba.
Isinugod naman sa ospital ang sugatang 32-anyos anak na lalaki ni Pineda na hindi na binanggit ang pangalan.
Namatay sa pinangyarihan ng krimen si Pineda sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga awtoridad sa mga salarin at inaalam sa pagsisiyasat kung ano ang motibo sa pamamaslang. MARINA BERNARDINO