AMINADO si boxing icon Manny Pacquiao na bukas siya sa posibilidad na muling humarap sa matagal nang karibal na si Floyd Mayweather Jr., basta’t handa na rin ang Amerikano para sa rematch.
Ito’y matapos ang kanyang matagumpay na pagbabalik sa ring laban kay Mario Barrios sa nauwi sa majority draw kamakailan.
Ayon kay Pacquiao, walang problema sa kanya kung muli siyang magtutuos ni Mayweather sa ibabaw ng parisukat na lona.
Ang laban ay ginanap apat na taon matapos ang kanyang huling professional fight.
Subalit sa edad na 46, ipinakita ng dating world champion na kaya pa niyang sumabay sa mas batang mga mandirigma tulad ni Barrios.
Nananatili din umano ang interes ng mga fans para sa inaasam na rematch ng dalawang boksingero.GP/JC