MANILA, Philippines – Mas maraming Local Government Unit ang nagdeklarang state of calamity bunsod ng pagbaha mula sa habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Pinapayagan nito ang paggamit ng calamity funds at pagpapatupad ng price freeze sa pangunahing bilihin.
Metro Manila: Caloocan, Las Piñas, Manila, Malabon, Marikina, Navotas, Quezon City, Valenzuela
Pangasinan: Dagupan City, Malasiqui, Calasiao, Umingan, Sta. Barbara, Lingayen
Tarlac: Paniqui, Moncada, Camiling
Nagbabala ang PAGASA ng malalakas na pag-ulan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, at Benguet, at katamtamang pag-ulan sa kalapit na probinsya hanggang Biyernes. Santi Celario